Connect with us

Regional News

LPG at Kerosene price freeze, pinatupad ng DOE sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa bagyong Odette

Published

on

Price freeze

Magkakaroon ng price freeze sa mga household liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity (SoC) sa utos ng Department of Energy (DOE).

Effective ngayong araw ang price freeze sa mga lugar na na-apektado ng bagyong Odette, kung saan, 15 na araw matapos ang SoC declaration, mananatili ang umiiral na presyo ng petrolyo.

Mayroong 159 retail outlets na nanatiling sarado dahil sa power outages, baha, mga sira, at limited manpower.

Ang mga sumusunod na lugar ay inilagay sa ilalim ng state of calamity: Bohol province, Butuan City, Cebu province, Jose Panganiban, Camarines Norte, at Cebu City.

“We would like to remind all concerned stakeholders on the necessary implementation of the price freeze in areas that will be placed under a SoC,” sinabi ng DOE batay sa ulat ng Manila Times.

Hinimok rin nila ang publiko na maging “vigilant” at agad i-ulat sa department ang mga noncompliant sa price freeze.

Dapat may certified true copy ng receipt ang indibidwal na nagrereklamo ng overpricing. Samantala, ang mga lumabag ay subject sa mga penalties at sanctions sa ilalim ng Amended Price Act.

(ManilaTimes)

Continue Reading