Connect with us

Regional News

Mabagal na pamamahagi ng lupang sakahan ng DAR, binatikos ng mga magsasaka

Published

on

Filipino Farmer strains palay DAR binatikos ng magsasaka

Binatikos ng mga magsasakang miyembro ng grupong Task Force Mapalad (TFM) ang umano’y usad-pagong na pamamahagi ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR)

Ayon kay Lanie Factor, National deputy coordinator ng Task Force Mapalad (TFM) ng Negros, sa kasaysayan ng agrarian reform, ang kasalukuyan administrasyon ng DAR ang pinakamabagal sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa ilalim ng programa nitong Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Nagpahayag ng pagkadismaya si Factor kasama ang 4,000 magsasaka sa Negros Occidental sa isinagawa nilang protesta sa MassKara Festival para kondenahin ang mabagal na pamamahagi ng lupa ng DAR, hindi lamang sa naturang lalawigan kundi maging sa buong bansa.

Ayon pa sa tagapagsalita ng TFM, kahit iniutos na ni Pangulong Duterte kay DAR Secretary John Castriciones ang mabilis na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, bigo pa rin ang huli na mabilis na ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka.

Idinagdag pa ni Factor na 20 porsyento lamang umano ng lupa na dapat na ipamahagi ng DAR ay mula sa Negros Occidental ang nai-distribute na.

Idinagdag pa ng grupo ng TFM na sa kasalukuyan, ang naipapamahagi pa lamang ng DAR sa mga CARP beneficiaries ay tinatayang aabot sa 30,000 ektarya pa lamang sa taong 2016 hanggang 2018. 

Nilahukan ang kilos protesta ng mga magsasaka mula sa Negros-Panay Chapter ng National Peasant Federation Task Force Mapalad para ipaalala sa kasalukuyan administrasyon ang pamamahagi sa 521,000 ektaryang lupang agricultural landholding sa buong bansa.

Continue Reading