Connect with us

Iloilo News

Mag-live in partner sa Tigbauan, timbog sa drug buy bust ops

Published

on

Tiklo sa ikinasang drug buy bust operation ang mag live in partner sa Brgy. Tan Pael, Tigbauan , Iloilo dakong alas-2:03 ng hapon nitong Lunes.

Kinilala ang mag subject person na sina Mark Anthony, 32-anyos at Rizhlenn, 25-anyos na mga residente ng Brgy 8 Poblacion, Tigbauan.

Ayon sa Tigbauan Municipal Police Station, mula umano ang supply ng shabu sa Iloilo city at sabay na ibinebenta ng mag live-in sa naturang lugar.

Tinatayang nasa 13 grams ng suspected shabu ang narekober mula sa dalawa na may kabuuang halaga na P88, 400.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawa na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.