Connect with us

Capiz News

Magsasaka, arestado sa pagbebenta ng baril

Published

on

Timbog ang isang magsasaka sa ikinasang entrapment operation matapos itong mahuli na nagbebenta ng baril sa Brgy. Lanot,  Roxas City.

Kinilala ang suspek na si Jovanne Bajada, 54-anyos na residente rin ng nasabing lugar.

Nabilhan ng poseur-buyer si Bajada ng calibre .38 homemade revolver na baril at tatlong mga bala nito kapalit ang halagang P2,600.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Roxas City Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act