Connect with us

Regional News

Mahigit 21k security forces, idedeploy sa buong Westen Visayas para sa BSKE 2023

Published

on

Photo: Screengrab via PRO6/Facebook post

AABOT sa mahigit 21,000 security forces ang idedeploy sa buong Western Visayas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30, 2023.

Sa nasabing bilang, 12,486 ang mula sa Police Regional Office VI; 6,741 sa 3rd Infantry Division Philippine Army; 2,437 sa Bureau of Fire Protection o BFP-6 at 30 ang mula sa Philippine Coast Guard Region 6.

Nitong Lunes, Oktubre 23, isinagawa ang Simultaneous Multi-Agency Send-Off at Turnover Ceremony kung saan kasabay na itinurn-over ang mga logistical equipment na magagamit ng mga uniformed personnel upang magsiguro ang kapayapaan at kaayusan ng darating na halalan.