Connect with us

Regional News

MAHIGIT P20 MILYONG HALAGA NG SHABU SA CAVITE, NASAMSAM MULA SA MAGPINSAN NA TAGA KALIBO

Published

on

Tinatayang aabot sa mahigit Php20 milyong halaga ng droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa magpinsan na taga Kalibo sa anti-illegal drugs operation sa Dasmariñas City, Cavite nitong Linggo.

Ayon sa Philippine National Police, naaresto sa Tierra Vista Subdivision partikular sa Barangay Langkaan 1 ang mga suspek na sina Ranier Ricarto Reboriano at Joshua Ricarto Legazpi.

Pahayag naman ng Dasmariñas City sa Panayam ng Radyo Todo. Hindi nila kilala ang mga suspek na naaresto alas-4 ng hapon nitong December 6. Wala ring record sa PNP Dasmarinas ang magpinsan.

Nakuhaan ang mga ito ng tatlong kilo ng suspected shabu na nakalagay sa green na foil bag na may Chinese tea markings at US carbine cal.30 na may dalawang magazine at tatlong rounds ng bala ng cal. 45.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang dalawa ay core operators ng Manila-Mindanao drug syndicate sa Cavite at konektado ang mga ito sa mga Chinese drug lords na may operasyon sa Metro Manila at CALABARZON.

Sinabi ni PNP chief Police General Debold Sinas na ang operasyon ay bahagi ng Case Operation Plan (COPLAN) Blood Stone na naglalayong buwagin ang network ng mga malalaking drug syndicates.