Connect with us

Regional News

“MARSHMALLOW” DAHILAN NG PAGKAMATAY NG ISANG PASLIT

Published

on

Nagkikisay na nang makita ng kanyang lola ang isang taong gulang na batang babae hanggang sa bawian ng buhay matapos itong kumain ng “marshmallow sa Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan.

Ayon kay Merlinda Austria, lola ng bata at residente ng barangay Lucanin, pinapakain ng ina ang biktima at binabantayan naman pero nang kumuha umano ito ng tubig ay nagkaroon ng pagkakataon ang bata na makuha ang marshmallow na ginugupit-gupit.

“Pinapakain ng nanay ‘yun, eh bantay-bantay naman niya, kaya lang pagkuha niya ng tubig, ayun na nga ho, siguro, nakapulot ng malaking marshmallow, kasi ho ginugupit gupit niya yun,” ani Merlinda Austria, lola ng bata.

Photo| Gracie Rutao

Isinubo umano ito ng bata habang hindi pa nakakabalik ang nanay kaya hindi nakita na ito ay nabulunan.

Itinakbo pa sa ospital ang bata ngunit binawian na ito ng buhay.

Saad pa ni Austria, wala silang sinisisi sa pangyayari dahil wala naman umanong may gusto na mamatay ang bata.

Paalala ng mga eksperto na tutukang maigi ang pagbabantay na mga magulang sa kanilang mga anak sa anumang maaring mapulot at makain ng mga bata.

Dagdag pa nito, kung mapatunayan ang kapabayaan ng mga magulang, posibleng haharap sila sa kasong reckless imprudence resulting in homicide in relation Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.

Via| ABS-CBN News