Connect with us

Regional News

Mayon Volcano, lalong tumitindi ang Pag-aalburoto: Seismologists, Nagbabala sa posibleng mapaminsalang pagsabog

Published

on

mayon volcano update

Tumitindi ang pag aalboruto ng bulkang Mayon, batay sa mga ulat mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naitala ang pagtaas sa bilang ng volcanic earthquakes at mga rockfall events.

Sa loob ng 24 oras na pagitan mula 5:00AM ng Martes hanggang 5:00AM ng Miyerkules, ang bulkang Mayon ay nagtala ng pitong volcanic earthquakes at 309 na mga insidente ng rockfall.

Sa kabilang dako, bumaba ang sulfur dioxide flux sa 149 metric tons kada araw, mula sa naunang naitalang 723 metric tons.

Sa ngayon, nakataas pa din ang Alert Level 3 sa bulkang Mayon, dahil ang magma nito ay nasa crater, at posibleng magkaroon ng mapaminsalang pagsabog sa loob lamang ng ilang linggo o araw.

Batay sa ulat ng mga state seismologists, ang pag aalboruto ng bulkang Mayon ay maaaring tumagal ng ilang buwan. Ang lahat ay pinapayuhan na maging handa at alerto sa mga susunod na pangyayari.