Regional News
MAYOR SA PANGASINAN, PINATIGIL ANG VACCINATION ROLLOUT KONTRA COVID-19 SA DISTRICT OSPITAL
PINATIGIL ng alkalde ng Tayug, Pangasinan ang vaccination rollout laban sa COVID-19 sa isang district ospital sa kanilang bayan.
Ayon kay Mayor Carlos Trece R. Mapili, walang koordinasyon sa kanyang opisina at sa MHO-RHU ng Tayug ang nasabing pagbabakuna sa Eastern Pangasinan District Hospital (EPDH).
“As LCE of Tayug, Pangasinan, whose office is tasked with the implementation of the vaccination program of the government in my jurisdiction and being the host municipality of Eastern Pangasinan District Hospital (EPDH), I DEMAND that you REFRAIN from carrying out any more actions related to the COVID-19 vaccination roll-out of (sic) my constituency without coordinating the same with my office and the MHO-RHU of Tayug, Pangasinan,” pahayag ng alkalde sa Facebook page.
Nagpadala din ng sulat si Mayor Mapili para kay Julie L. Daquiag, regional director ng Department of Interior and Local Government (DILG) at inihayag nito ang reklamo kaugnay sa patuloy na pagbabakuna ng EPDH, na nagsimula nitong Hulyo 30.
Pero sa kabila ng panawagan ng alkalde, gayunpaman, nagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa ospital.
Itinanggi naman ng isang opisyal ng ospital ang akusasyon ng alkalde.
“In fact, it is the LGU that provided us the master list for our July 30 vaccination rollout,” paliwanag ng ospital sa kanilang Facebook Page.
Samantala, aabot na sa 1,089 doses ang naibakuna sa A2 category habang 216 naman sa A3 category sa unang apat na araw ng vaccination drive ng EPDH.
Ang EPDH ay pinapatakbo ng provincial government ng Pangasinan at kabilang ito sa listahan ng mga accredited COVID-19 Bakuna Centers ng Department of Health (DOH) at ng COVID-19 Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Nitong Martes, Agosto 3, nangunguna ang bayan ng Tayug sa may pinakamataas na numero ng active COVID-19 cases sa Eastern part ng Pangasinan na may 15 active cases at 7 naman ang nasawi.
(With a report from: INews)