Connect with us

Capiz News

Mekaniko, sugatan matapos saksakin ng kustomer

Published

on

Sugat sa likod ang tinamo ng isang mekaniko matapos itong saksakin ng kaniyang kustomer  sa Brgy. San Jose Roxas City.

Kinilala ang supek na si alyas Edilberto, residente ng nasabing lugar habang ang biktima naman ay si  alyas Berto 30-anyos na residente naman ng Brgy. Poblacion Sur sa bayan ng Sigma.

Batay sa imbestigasyon ng Roxas City Pnp, nagpaayos umano ng motorsiklo ang naturang suspek ngunit habang inaayos ng biktima ang motorsiklo ay nagkaroon umano ng sagutan sa pagitan ng dalawa.

Aalis na sana ang mekaniko ngunit biglang sinaksak ni Edilberto ang likuran nito.

Dali-daling tumakbo palayo ang suspek na hangang ngayon ay pinaghahanap parin ng mga kapulisan.

Samantala, dinala naman agad ang biktima sa Roxas Provincial Hospital para sa kaukulang pagpapagamot.