Connect with us

Regional News

Minor de edad, dinampot dahil sa pagpost ng ‘Fake news’ sa social media ukol sa puting van

Published

on

Photo from the web.

Dinakip ang isang menor de edad matapos na magpost ng ‘fake news’ sa social media hinggil sa puting van na nangunguha ng mga bata sa Looc village, Danao City.

Ayon kay Col. Roderick Mariano, chief sa Cebu Provincial Police Office (CPPO), nagpost ang suspek sa kanyang facebook account na may gumagala na puting van na nagunguha ng bata.

Nakasaad sa post na, patuloy pa ang operasyon ng mga hindi kilalang suspek na nangunguha ng bata upang kunan ng mga vital organs para ibenta.

Ayon naman kay Danao City police chief, Lt. Col. Maribel, dinala na sa kanilang kustodiya ang minor de edad para sa pagsampa ng kasong Revised Penal Code, partikular sa Alarm and Scandal in relation to Section 6, Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ni Mariano na dapat maging maingat sa mga ipinopost sa social media at maging mapanuri kung ito ay may katotohanan o wala na maaaring magdulot ng takot at pangamba sa publiko.

Source| https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=501681627097544&id=217055112226865