Regional News
MORE POWER, MULING BUMABA ANG SINGIL SA KURYENTE
Inanunsiyo ng MORE Power ang muling pagpapatupad ng bawas-singil sa kuryente sa residential rate sa Iloilo city para sa buwan ng Mayo at Hunyo 2023.
Ito ang ika-anim na sunod na buwan na bumaba ang rate sa kuryente ng MORE Power.
Sa ngayon bumagsak ang rate sa P12.2990 kada kilowatt-hour (kWh), na bumaba ng P0.9522 mula sa P13.2511 noong nakaraang buwan.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ng rate ay ang lower generation cost.
Ngayong buwan ang generation cost ay bumaba sa P7.1182 kada kWh, may bawas ito na of P0.5362.
Iba-iba naman ang naging dahilan nang pagbaba ng gerenation cost, isa na rito ay ang dagdag na geothermal power mula sa Energy Development Corp.
Mababatid na ang geothermal power ay renewable energy source na mas kilala sa cost-effectiveness at environmental benefits nito.
Malaking bagay rin sa pagbaba ng generation cost ang lower exposure ng high spot market prices sa Wholesale Electricity Spot Market, kabilang din dito ang pagbaba ng coal prices.
Samantala, ang pagpasok naman ng renewable energy supplier sa supply mix ay malaking tulong rin sa pagbawas ng value-added tax (VAT) sa generation cost.
Sa ngayon bumaba na sa P0.1613 kada kWh ang VAT charges.
Maging ang transmission charge ay may bawas na rin na bumaba sa P0.1831 kada kWh, mula sa P0.9057 nakaraang buwan na nasa P0.7226 naman ngayong buwan.
Bumaba ito dahil rin sa pagbagsak ng ancillary service charge at mataas na billing determinant kada kWh. Aabot ngayong period ang peak demand sa Iloilo City sa 127.24 MW.
Naka-apekto naman sa system loss ang patuloy na bawas-singil. Nitong nakaraang buwan aabot ito sa 7.00%, habang nasa 6.49% naman ang 12-month average system loss.
Malaking tulong sa mga konsyumer ang pagbawas sa system loss, generation at transmission charges.
Continue Reading