Connect with us

Iloilo News

Municipal Library sa Dingle, Iloilo, hinagisan ng granada

Published

on

Iloilo – Gumulantang sa mga residente ang malakas na pagsabog ng isang granada na hinagis kaninang madaling araw sa Municipal library ng Poblacion, Dingle, Iloilo.

Nasira ang bintana ng library at tinamaan din ang gulong ng firetruck ng BFP na malapit lang dito.

Dalawang persons of interest na nakasakay sa motor ang natukoy ng mga kapulisan na nagtapon ng granada sa library.

Ayon kay Iloilo Police Provincial Office Director, Police Colonel Ronaldo Palomo, personal na hidwaan laban sa mga miyembro ng Dingle Municipal Police Station ang tinitingnan nilang motibo dahil sa mahigpit at patuloy na pagpapatupad ng checkpoint sa lugar.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Explosive Ordnance Division (EOD) Unit, na-identify na isang M26 ang itinapon sa lugar base sa mga nakitang safety pin at safety lever ng granada.

Itinuturing naman na isang isolated case ang insidente at wala umano itong kinalaman sa eleksyon.