Negros News
Nangako ng P2 bilyon na halaga si pangulong Duterte sa mga probinsya na na-naapektuhan ng bagyong Odette
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng halagang P2 bilyon para sa bawat probinsya na apektuhan ng bagyong Odette matapos niyang ma-inspeksyon ang Southern Negros kasama ang ilang cabinet officials kahapon, Disyembre 20.
Si Pangulong Duterte rin ang mismo nanguna ng ceremonial distribution ng mga family food packs, repair kits, hygiene kits, at iba pa, matapos ang briefing sa naging impact ng bagyo sa Southern Negros sa Kabankalan City Hall.
Ang Southern Negros Occidental, lalo na ang Kabankalan City at Sipalay City, ang pinakamatinding tinamaan ng bagyo sa probinsya.
Nagsagawa rin ng aerial inspection si Duterte sa southern Negros Occidental, kung saan karamihan sa mga lugar ay lubog sa baha noong Disyembre 16 at 17.
Sabi ni Health Secretary Francisco Duque, nasa Southern Negros Occidental sila upang ma-assess ang sira at makita kung paano i-deliver ang mga assistance, kabilang na dito ang health related supplies.
“We will check on the water, electricity, fuel and other important supplies,” sinabi ni Duque batay sa ulat ng Inquirer.
Samantala, ang Department of Social Welfare and Development ay nakapamahagi na ng 10,300 food packs sa Negros Occidental na naghahalaga ng P5.7-milyon (as of Dec.20), batay kay Secretary Rolando Bautista.
Habang, sinabi naman ni Governor Eugenio Jose “Bong” Lacson sa Rappler na ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, maaring bumalik na ang kuryente ngayong linggo sa Kabankalan City.
“The President was evidently serious in his effort to help Negros Occidental that he brought the secretaries of the different departments concerned with the varied needs,” sabi ni Lacson.
May naiulat na 38 na namatay sa Negros Occidental dahil sa bagyong Odette, mayroong ding 3,764 mga bahay na nawasak at 16,477 naman ang nasira.
Batay sa summary ng damage and needs, na nilabas noong Disyembre 20, umaabot na sa P6 bilyon ang damage.