Regional News
NPA, INAMING SILA ANG NAKASAGUPA NG TROPA NG MILITAR SA LAMBUNAO NA IKINASAWI NG 1 SUNDALO
Inamin na ng New People’s Army na sila ang nakabakbakan ng tropa ng Philippine Army sa Brgy. Panuran, Lambunao na ikinamatay ng isang militar.
Ayon kay Jorie Guerero ng Jose Percival Estocada Jr Command ng NPA-Central Panay, sakop ng kanilang area of operation ang lugar kung saan sila nagsagawa ng information dissemination kaugnay ng COVID-19.
Kinundena umano ng NPA ang presensya ng mga sundalo sa lugar.
Tumigil sa tactical operations ang NPA ayon pa kay Guerero pinanatiling aktibo ang kanilang depensa.
Dagdag pa nito, walang namatay o nasugatan sa mga miyembro ng NPA.
Napatay sa engkwentro si Private First Class Mark Nemis ng 301st Infantry Brigade ayon naman kay Captain Cenon Pancito III, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division.
SOURCE: Aksyon Radyo Iloilo