Regional News
Oil spill na-monitor ng PCG matapos lumubog ang isang oil tanker sa katubigan ng Balingawan Point, Naujan, Oriental Mindoro
Tinatayang anim na kilometrong haba at apat na kilometrong lawak ng oil spillage ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigang bahagi ng Balingawan Point, Naujan, Oriental Mindoro ngayong araw.
Ito ay matapos tuluyan nang lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress sa naturang katubigan.
Kaugnay nito, nagpapatuloy sa ngayon ang isinasagawang oil spill assessment at oil spill response operation ng Coast Guard Station Oriental Mindoro, Marine Environmental Protection Unit (MEPU)-Southern Tagalog, at M/TUG TITAN sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, muli namang magsasagawa ng karagdagang aerial surveillance ang Coast Guard Aviation Force ngayong araw.
Continue Reading