Connect with us

Regional News

“ONE-SEAT APART” NA ARRANGEMENT SA HALIP NA 1-METER PHYSICAL DISTANCING, IPAPATUPAD SA MGA PUV’s SA WV SIMULA SETYEMBRE 28, 2020

Published

on

WV -Napagkasunduan sa isinagawang meeting ng Land Transportation Office (LTO6), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB6), transport groups at ni Transport Management and Traffic Regulation Office Head Jeck Conlu ang 1-seat apart sa halip na 1-meter physical distancing sa mga pampublikong sasakyan aa Western Visayas.

Ayon kay City Loop Integrated Alliance of Jeepney Owners and Driver’s Assn. (CLIAJODA) Pres. Rizal Alido, na magtse-check ang LTO at LTFRB personnel simula sa Sept. 28 at magwa-warning sa mga drivers na hindi susunod sa arrangement, habang pabababain ang sobrang pasahero. At simula Oct. 5, bibigyan na ng penalidad ang mga lalabag dito.

Kaugnaya nito, sinabi ni Alido na nagsumite siya ng proposal sa LTFRB6 para sa provisional fare increase dahil mabawasan umano ang pasahero ng mga PUVs sa 1-seat apart.

Sa kanyang isinumiting proposal, gagawing P15 ang pamasahe sa mga traditional PUJs at P20 naman sa mga modernized PUJs.

Makakatulong na anya ito sa mga operators at drivers dahil sa kakaunti lamang ang mapasakay na pasahero.