Connect with us

Regional News

P2.7M na halaga ng ilegal na droga ,nakumpiska ng PR06 sa loob lamang ng isang araw

Published

on

P2.7M na halaga ng ilegal na droga ,nakumpiska ng PR06 sa loob lamang ng isang araw

Umabot ng P2.7M ang kabuuang halaga ng mga nakumpiska na ilegal na droga ng PRO-6 mula sa seperadong operasyon ng mga otoridad sa  Western Visayas sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa Police Regional Office 6 (PRO-6), 22 mga tulak ng ilegal na droga ang matagumpay na naaresto kung saan 4 dito ang itinuturing na HVI (high value individuals) at 18 naman ang SLI (street level individuals).

1 ang naaresto sa Aklan gayundin sa Guimaras,Iloilo at mula sa operasyong pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6; 2 naman sa Antique; 3 sa Capiz at Bacolod; 4 sa Iloilo City; at 6 naman sa Negros Occidental.

May kabuuang 397 grams ng suspected shabu ang nakumpiska na may halagang P2.7 million.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspects na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.