Regional News
PAG-AVAIL NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM, HINDI PWEDENG MAGDOBLE AYON SA DSWD 6
Hindi pwedeng magdoble ang pag-avail ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Pahayag ni DSWD 6 spokesperson May Castillo, pitong mga national government agencies ang magpapatupad ng programa at ito ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Budget and Management (DBM), Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DOF), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Interior and Local Government (DILG) base sa Joint Memorandum Circular Number 1 series of 2020.
Kapag nakapasa na sa DSWD, hindi na maaaring maka-avail sa ibang programa ng iba pang NGA’s ayon kay Castillo.
Dagdag pa nito, 1.8 million ang makakatanggap ng assistance ng DSWD sa Western Visayas at prayoridad dito ang mga mahihirap o mas nangangailangan.
Kada pamilya aniya ang makakatanggap ng assistance na umaabot sa P6000 kada buwan sa ilalim ng dalawang buwan.
SOURCE: https://www.facebook.com/1460030447624568/posts/2461111110849825/