Regional News
PAG REQUIRE NG “SPECIAL PERMIT” SA MGA PUBLIC TRANSPORTS, ESTRIKTONG IPAPATUPAD NG LTFRB
Estriktong ipapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag require ng “special permit” sa mga nagbabyaheng pampublikong sasakyan sa Kabila ng pagsasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Western Visayas sa susunod na buwan.
Ipinahayag ni LTFRB Region 6 Reg. Dir. Richard Osmeña na huhulihin ng ahensya ang mga public transports na nagbabyahe na walang “special permit” mula sa LTFRB.
Kailangan umano ng mga drivers at operators ng mga public transport na maging myembro ng kooperatiba na accredited ng Office of Transportation Cooperative (OTC).
Maliban dito, kailangan din umanong updated ang insurance ng mga myembro para maisyuhan ng special permit.
Aminado naman si Osmeña na marami ang nahihirapang mag apply ng accreditation sa kooperatiba dahil sa tagal ng proseso.
Subalit, pinagdiinan nito na matagal na umanong inabisuhan ng ahensya ang mga drivers at operators na asikasuhin ang kanilang membership sa kooperatiba.
Payo naman ni Osmeña sa mga wala pang kooperatiba na sumali sa mga existing cooperatives para mabigyan ng special permit.