Connect with us

Iloilo News

Pagpapasara ng mga point of entry sa Iloilo, isinusulong ng Ilonggo Mayors para iwas-COVID-19

Published

on

Isinusulong ng League of Municipalities of the Philippines – Iloilo Chapter (LMP – Iloilo) na paigtingin pa ang pagpapatupad ng travel restrictions sa Iloilo.

Ayon kay Mayor Trixie Fernandez, presidente ng LMP – Iloilo, magpapasa umano sila ng isang resolusyon na mag-uudyok kay Gov. Arthur Defensor, Jr. na magpatupad ng mas mahigpit na travel restrictions para sa mga pupunta o aalis ng Iloilo.

Partikular nito ay nais ng mga mayor na ipagbawal ng provincial government na pansamantalang isara ang lahat ng mga entrance at exit points ng Iloilo tulad ng seaports, airports and roads sa lalong madaling panahon.

“Nagapati kami nga this is the best time nga himuon ini kay wala pa kita confirmed cases. Let’s not wait nga masudlan kita (Naniniwala kami na ngayon ang pinakatamang panahon upang gawin ito habang wala pa tayong confirmed cases. Huwag na nating hintaying mapasukan pa tayo.),” Ani Fernandez.

“Ang aton lang nga i-prohibit diri ang pagguwa kag sulod sang mga tawo, pero ang delivery of goods kag iban pa nga mga kinahanglanon indi covered (Ang ipagbawal lamang natin dito ay ang paglabas at pagpasok ng mga tao, pero ang delivery ng goods at iba pang mga pangangailangan ay hindi covered.),” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Fernandez, sa Dumangas palang ay mayroon nang higit sa 1,500 na katao ang pumapasok sa mga port ng Iloilo mula sa Negros.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), mayroon nang dalawang kaso ng CoVID-19 sa Negros.

Ayon pa sa report ng Radyo Pilipinas-Iloilo, iminungkahi ni Concepcion Mayor Raul Banias na isailalim na ang buong Panay Island sa isang lockdown.

Ani pa ni Banias na isa rin doktor, ang lockdown ay makatutulong sa pananatili ng kalusugan at kaligtasan ng mga Ilonggos at sa mga taga-Panay.

“Garecommend ako sa gobernador nga istoryahan nila sang mga lideres sang Panay kag i-assess naton ang aton capacity sa paghandle sang COVID-19 (Inirerekomenda ko sa gobernador na makipag-usap siya sa mga namumuno sa Panay at i-asses natin an gating kahandaan sa pag-handle ng COVID-19),” Ani Banias.

Dagdag pa niya, kung sakaling makakapasok ang COVID-19 sa Panay at wala tayong kapasidad at pasilidad, mahirap na itong masugpo.

Source: IMT