Regional News
PAMILYANG NAKATANGGAP NG SAP AID SA REG 6, UMAABOT SA 1 MILYON
Aabot sa isang milyong pamilya sa Western Visayas ang nakatanggap na ng ayuda o emergency subsidy assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng mga LGUs.
Kabuuang 983,001 family beneficiaries o 85.20% ng non-Pantawid beneficiaries sa rehiyon ang nabigyan ng DSWD Field Office VI ng SAP.
Ipinahayag ni Reg. Dir. Ma. Evelyn Macapobre na may kabuuang P5,898,006,000 ang nairelease na ng ahensya.
Nakatanggap ng P6,000 na cash assistance ang bawat pamilya sa panahon ng implementasyon ng community quarantine dahil sa COVID 19.
Ayon kay Macapobre na 65 sa 133 LGUs sa rehiyon ang naka-kumpleto na ng SAP distribution.
Ito ay ang 5 LGUs sa Aklan, 16 sa Antique, 15 sa Capiz, 5 sa Guimaras, 11 sa Iloilo at 13 sa Negros Occidental.
Sa 65 na mga LGUs, 13 na ang naka sumite ng kanilang liquidation reports sa regional office.
Sa isinagawang virtual presser ng ahensya nong Lunes, sinabi ni Macapobre na obligadong magsumite ng kanilang liquidation reports ang mga LGU para ma process ang 2nd trance ng kanilang SAP.
Samantala, may 68 pang mga LGUs ang hindi pa nakumpleto ang pamimigay ng SAP sa Kabila ng binigay na extension ng Department of Interior and Local Government (DILG) hanggang May 10.
Ayon kay Macapobre papayagan pa rin ng DSWD ang mga LGUs na ipagpatuloy ang kanilang payout para makumpleto na ang pamimigay ng ayuda ng gobyerno sa mga tao dahil kailangan nila ito.
Kailangan umano nilang magpadala ng letter of request for extension kay DILG Sec. Eduardo Ano.
Ang 68 LGUs na patuloy Pa ang distibusyon ay ang 33 LGUs ng Iloilo, 2 sa Capiz, 12 sa Aklan, 2 sa Antique at 19 sa Negros Occidental.
Inireport din ni Macapobre na nakapamigay din ang ahensya ng SAP assistance sa 6,995 Pantawid beneficiaries na walang cash cards na may total na P32,526,750 simula noong April 30.
Nakatanggap ng P4,650 SAP assistance ang bawat benepisyaryo dagdag sa P600 rice subsidy at P750 para sa kalusugan.
Sa kabilang banda, tumanggap rin ng SAP assistance ang mga Pantawid beneficiaries na merong mga cash cards noong April 3.
Nakapagbigay din ang ahensya ng 53,771 family food packs bilang dagdag sa mga ipinamahagi ng mga LGUs sa rehiyon na nagkakahalaga ng P20,118,555.