Connect with us

Antique News

PANGALAWANG KASO NANG COVID-19 SA ANTIQUE, NAITALA

Published

on

Nagpositibo sa Covid-19 ang isang 69 anyos na lalaki sa bayan ng Pandan, at ikalawa sa talaan ng Antique.

Ito ang inanunsyo ng Provincial Government ng Antique na ang 69 anyos na pasyente ay naconfined sa Medical City, Ilo-Ilo noong February 20,2020 at nakalabas February 28. At inuwi sa nasabing bayan.

Bumalik ito sa Ilo-Ilo City noong March 4,2020 para magpa-konsulta sa kanyang doktor.

Gayunpaman nagkaroon ito ng follow up check up sa isang pribadong doktor noong March 7,2020 at bumalik muli sa Pandan Antique March 8,2020.

Nito lamang March 30,2020 nakaramdam muli ito ng sintomas at nagpakonsulta sa Local Private Physician na agad namang na-admit sa isang Private Healthcare Facility.

At inilipat sa Angel Salazar Memorial General Hospital noong April 3,2020 para sa masusing gamutan. Sinabi ng nasabing hospital na ang pasyente ay kabilang sa Patient Under Investigation(PUI).

Kahapon April 9,2020 lumabas ang resulta ng isinagawang Covid Test galing sa Western Visayas Medical Center Department of Pathology, Sub National Laboratory sa pamamagitan ng Department of Health Center for Health Development 6 na positibo ang specimen ng pasyente sa Covid-19.

Sa ngayon nasa mabuti ng kalagayan ang pasyente.

Ang Local Government Unit at iba pang stakeholders sa Probinsya ng Antique ay nagsasagawa na ng Contact Tracing sa posibleng nakasalamuha ng pasyente.