Iloilo News
Pinakamababang Singil sa Kuryente sa Western Visayas: More Power at Negros Power, nangunguna sa murang residential rates
Namayagpag ang More Electric and Power Corporation (MORE Power) bilang may pinakamababang residential electricity rate sa buong Western Visayas para sa buwan ng Hunyo 2025, base sa inilabas na talaan ng mga distribution utilities sa rehiyon.
Ayon sa datos, nasa P10.52 kada kilowatt hour (kWh) ang singil ng MORE Power, na siyang nagseserbisyo sa Iloilo City. Ito ang pinakamababa sa buong rehiyon.
Kasunod naman ang Negros Electric and Power Corporation (Negros Power), na may singil na P11.14/kWh, at nagseserbisyo sa ilang bahagi ng Negros Occidental.
Sa kabilang banda, ang pinakamataas na singil ay naitala sa Northern Negros Electric Cooperative (NONECO) na may rate na P12.72/kWh.
Ang mababang singil ng kuryente ng MORE Power at Negros Power ay ikinatuwa ng maraming konsumer, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.