Regional News
Power bank, nagliyab at sumabog sa Roxas airport — CAAP


NAGLIYAB AT SUMABOG ang isang power bank sa security checkpoint ng Roxas Airport bandang alas-6:36 ng umaga, nitong Martes, Hunyo 24.
Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa ulat, nadiskubre ang 72,000 mAh power bank sa bagahe ng babaeng pasahero. Ito’y malayo sa itinakdang 160 watt-hour limit.
Sinabi naman ng pasahero na pinayagang isama ang power bank sa kanyang bagahe sa biyahe nito mula Maynila.
Ngunit habang sa proseso ng pag-turn-over, bigla na lamang nagliyab ang power bank at sumabog sa inspection table.
Naapula naman ito gamit ang fire extinguisher at wala namang nasaktan o nasirang kagamitan.
Muling nanawagan ang CAAP sa mga pasahero na sumunod sa aviation safety regulations. l Ulat ni Arvin Rompe