Connect with us

Regional News

PRESIDENTE DUTERTE, BIBISITA SA CAMP PERALTA PARA SA EX RPA ABB TRAINING

Published

on

File photo from the web

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang programa para sa training ng mga sumukong myembro ng RPA-ABB na gaganapin sa Camp Macario Peralta, Jr ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army sa Jamindan Capiz bukas, Sept 19.

Ito ay pagkatapos ng halos isang linggong orientation ng mahigit 300 na mga myembro ng RPA-ABB KAPATIRAN Para sa Progresibong Panlipunan na ginanap sa bayan ng Kalibo.

Ang mga ito ay nanggaling sa mga probinsya ng Regions 6.

Didiretso ang mga ito sa Camp Peralta sa Jamindan Capiz para sa 45 araw na Basic Military Training para maging Community Defense Unit sa kani-kanilang komunidad.

Bahagi ito ng programa ng pamahalaan para lalo pang palakasin ang kampanya para sa kapayapaan sa bansa.

Matatandaan na noong nakaraang Sept 8 ay sabay-sabay na sumuko at nagturn over ng kanilang mga armas sa Philippine Army at PNP ang 310 na mga dating rebelde sa ibat-ibang lugar sa Panay at Negros.