Regional News
PRO 6 nagsagawa ng simulation exercise para sa 5-minute emergency response protocol


NAGSAGAWA ng live simulation exercise ang Police Regional Office 6 (PRO 6) upang ipakita ang pagpapatupad ng 5-minute emergency response protocol.
Sa harap ng mga miyembro ng Joint Anti-Bank Robbery and Allied Crimes Committee (JABRACC), ipinakita ng PRO 6 ang kahusayan ng kanilang mga yunit sa mabilis na pagtugon sa mga insidente.
Layon nitong palakasin ang koordinasyon sa mga emergency situations at tiyaking handa ang bawat yunit ng pulisya sa rehiyon.
Bukod sa pagpapamalas ng kahandaan, itinampok din sa simulation ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya para sa mas epektibong crime prevention at emergency response.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PBGEN Josefino D. Ligan na ginanap sa Casenas Hall, Camp Gen. Martin Teofilo B. Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief PGEN Nicolas D. Torre III.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng Philippine National Police upang paigtingin ang presensya ng kapulisan sa mga komunidad at masigurong ligtas at protektado ang publiko.|via Sarlyn Viray