Connect with us

Antique News

Punong Barangay ng Sebaste, Antique, binaril-patay; Isang Brgy. Tanod, sugatan

Published

on

Binawian ng buhay ang Brgy. Captain ng Sebaste, Antique habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang isang brgy. tanod matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nahuhuling mga suspek sa kasagsagan ng okasyon sa bahay ng kapitan nitong gabi ng Martes.

Kinilala ang kapitan na si Bernabe Antonio habang ang tanod naman ay si Joseboy Castro.

Batay sa imbestigasyon ng Sebaste Municipal Police Station, sabay umanong ipinagdiwang ng kapitan ang kaniyang kaarawan at ang pagtatapos sa kolehiyo ng kaniyang anak nang mangyari ang krimen.

Sinasabing, magkaharap umano sa iisang mesa ang nasabing kapitan at tanod nang bigla nalang silang pagbabarilin.

Tama ng pamamaril sa noo ang natamo ni Kapitan Bernabe na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay habang daplis naman sa kaliwang bahagi ng mukha ang natamo ng tanod na hanggang ngayon ay patuloy paring ginagamot sa ospital.

Sinubukan pang habulin ng anak ni kapitan ang suspek ngunit maging ito ay pinaputukan rin ng baril at mabuti nalang aniya na hindi ito natamaan.

Tatlong suspek ang patuloy  ngayong pinaghahanap ng mga kapulisan.

Samantala, nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad kaugnay sa nangyari.