Regional News
RIATF DEPUTY IMPLEMENTER: MAGSASAGAWA NG PANIBAGONG SISTEMA SA COVID-19 COMMAND CENTER SA BACOLOD
Magsasagawa ng panibagong sistema ang Covid-19 Command Center sa syudad ng Bacolod, base sa rekomendasyon ni RIATF Visayas Deputy Chief Implementer Gen. Melquiades Feliciano.
Kinumpirma ito ni Executive Assistant at CDRRMO Cluster Head Jomarie Vargas kasunod nang pagbisita ni Feliciano sa kanilang tanggapan kasama ang tagapamuno ng Office of the Civil Defense ng Region 6.
Ayon kay Vargas, base sa rekomendasyon ni Feliciano, dapat na umanong magpataw ng personnel-in-charge sa contact tracing sa Command Center para mapabilis ang pagkuha ng mga kinakailangang impormasyon na konektado sa kinakaharap ngayong pandemya ng syudad.
Maliban sa pagdagdag ng personnel-in-charge na i-assign sa Command Center, nais rin nitong ipaabot ang panibagong sistema na isasagawa ni Feliciano base sa kanilang naging eksperensiya at aksyon na ginawa sa parte ng Cebu.