Capiz News
Roxas City, namamahagi ng tig-kalahating sako ng bigas
Namamahagi ngayon ang pamahalaang lokal ng Roxas City dito sa probinsiya ng Capiz ng tig-25 kilo o kalahating sako ng bigas sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod.
Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas nagsimula ang kanilang pamamahagi sa Brgy. Dayao dahil ito ay nasa ilalim ngayon ng “Extreme Enhanced Community Quarantine” pati na ang Brgy. Baybay na may pinakamaraming bilang ng mga nangangailangan.
“Basta may bugas okay na kami. Makasustenir na ni sang 15 diyas. Ang sud-an mamedyusan namon na yah,” pahayag ng isang residente na nakatanggap ng kalahating sako ng bigas.
Sinabi ni Dadivas na nasa 30,000 indigent homes ang nakatakdang bigyan ng 25 kilo ng bigas sa ilalim ng food security program city government.
“Nakahibalo ako sang guinakalisdan ninyo subong ilabi na sang mga nagakinahanglan naton nga kasimanwa nga nadulaan sang pangabuy-anan kag wala na makaon bangud sa CoronaVirus,” pahayag ng alkalde.
Una rito mababatid na nagdonate ng kaniyang isang buwang sweldo ang opisyal na mahigit Php100,000 para ipandagdag sa pagbili ng bigas na ipamamahagi.