Connect with us

Regional News

SAGUPAAN NG MILITAR AT PINANINIWALAANG MIYEMBRO NG NPA, 6 SUGATAN

Published

on

Images|Brown Eagle FB page

ANIM ang sugatan kabilang ang dalawang tropa ng pamahalaan sa engkwentro ng 79th Infantry Battalion Philippine at pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) alas 8:30 kaninang umaga sa Victorias City, Negros Occidental.

Kinilala ni 303rd Infrantry Brigade Commander Colonel Inocencio Pasaporte ang dalawang sugatang sundalo na sina Corporal Ramy Chiefe at Corporal Louie Maghanoy.

Estable na ang kondisyon ng dalawang sundalo at nagpapagaling na ang mga ito.

Batay naman sa inisyal na impormasyon, apat ang nasugatan sa hanay ng mga rebelde na inalalayan ng kanilang mga kasamahan habang papalayo.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng report ang militar na may presensya ng mga rebelde sa lugar dahilan ng kanilang pagresponde at nangyaring engkwentro.

Nakuha sa lugar ang dalawang Improvised Explosive Device (IEDs), dalawang blasting caps, isang bandolier na may limang magazine ng AK47 na kargado ng bala, isang bandolier na may dalawang magazine ng M16 na kargado ng bala at ilang mga personal na gamit at dokumento.