Connect with us

Capiz News

Service crew, nahold-up sa sinasakyang tricycle; Bag na may lamang cash at mga dukomento, natangay  

Published

on

Natangay ng hindi pa nakikilalang kawatan ang bag ng isang service crew habang nakasakay ito sa isang tricycle sa bahagi ng Brgy. XI, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Ambion, 52-anyos na residente ng Brgy. Cudian, Ivisan,Capiz na kasalukuyang nangungupahan sa Legaspi St., Barangay II ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ng mga kapulisan, pauwi na sana si Ambion nang sumakay sa isang tricycle na minamaneho ng  lalaking naka jacket at nakasuot ng facemask kasama ang isa pang pasahero na pareho ang suot sa driver.

Nang malapit na ito sa inuuwian ay bigla umanong lumapit sa kaniya ang naturang kasama na pasahero at tinutukan siya ng kutsilyo sabay sabing hold-up.

Dito na tinangay ang kaniyang bag na may lamang halos P5,000 na cash at mga importanteng dukomento bago ito tumalon sa tricycle.

Agad inereport ng biktima ang nangyari sa mga pulis ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nakikilala ang magkasabwat na driver at nagkunwaring pasahero na mga kawatan.