Connect with us

Iloilo News

Tindero ng isda, patay matapos tamaan ng kidlat

Published

on

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tindero ng isda matapos itong tamaan ng kidlat sa Brgy. Alimodian, Iloilo.

Kinilala ang tindero na si Ronie Siapno, 45-anyos na residente ng Brgy. Bugang, Alimodian, Iloilo.

Sinasabing naglalako umano ng isda si Siapno sa lugar ng bigla itong abutan ng malakas na ulan na may dala pang kulog at kidlat kaya’t sumilong muna ito sa may tanim na kawayan.

Ngunit doon umano mismo tumama ang kidlat dahilan para malapnos ang buo nitong katawan.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit ideneklara na itong dead on arrival.