Connect with us

Negros News

Tricycle driver, sugatan matapos saksakin ng lalaki

Published

on

Sugat sa likod ang natamo ng isang tricycle driver matapos itong saksakin ng isang lalaki sa Brgy. Gargato, Hinigaran, Negros Occidental dakong alas-6:45 ng gabi nitong Martes.

Kinilala ang biktimang tricycle driver na si Renato Magquilat, 45-anyos, na residente ng Purok. 4 ng kaparehong barangay habang ang suspek naman ay si Ryan Garcia, 43-anyos na residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Hinigaran Municipal Police Station, binantayan umano ng suspek ang biktima na dumaan sa lugar tsaka ito sinaksak sa likod.

Agad dinala sa Hinigaran Medical Clinic si Magguilat na hanggang ngayon ay patuloy pang ginagamot.

Isa sa tinitignang dahilan ng pananaksak ay ang sama ng loob ng suspek laban sa biktima.

Sa ngayon naman ay nakakulong na ang suspek para sa karampatang disposisyon.