Connect with us

Antique News

Truck na may kargang mga gulay at prutas, nahulog sa bangin; 4 na sakay, sugatan

Published

on

Photo Credit: Althea Marie Sumampong/Facebook

Nagtamo ng ilang sugat sa katawan ang 4 na sakay ng truck matapos itong mahulog sa bangin sa bahagi ng Brgy. Apdo, Hamtic, Antique nitong hapon ng Lunes.

Batay sa report ng Hamtic, Antique Provincial Police Station, papuntang Sibalom, Antique ang naturang truck para ideliver sana ang mga karga nitong prutas at gulay.

Ngunit nang makarating sa naturang lugar ay bigla nalang umano itong nahulog sa bangin na nasa gilid ng daan.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng ilang sugat sa katawan ang 4 na mga sakay nito at na agad ding ipinagamot sa ospital.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring aksidente.