Connect with us

Regional News

TUBIG-DAGAT SA OZAMIS CITY, NAGKULAY-PULA

Published

on

Larawan mula sa www.cdodev.com

Pala-isipan ngayon kung paano at bakit naging kulay pula ang tubig-dagat sa baybaying sakop ng Brgy. San Roque at Brgy. Baybay Triunfo sa lungsod ng Ozamis, Misamis Occidental, nitong Pebrero 21, 2021 lamang.

Ayon sa mga residente, ito ang unang beses na nagisnan nila ang pagbabago ng kulay ng dagat sa kanilang lugar.

Agad namang kumuha ng water sample ang maritime police upang isailalim sa laboratory analysis. Hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng pagbabagong ito subalit masusi na itong ini-imbestigahan ng Bureau of Fisheries ad Aquatic Resources (BFAR)

Isa sa mga posibleng dahilan ay ang mabilis na pagdami ng phytoplankton na nauuwi sa tinatawag na Harmful Algal Blooms na mas kilala sa tawag na red tide. Ito ay mapamuksa at maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan (earthobservatory.nasa.gov).