Regional News
Turista sa Western Visayas, Bumaba ang arrival ng 99.30% sa 2nd quarter ng 2020
BUMABA ng 99.30% sa second quarter ng 2020, ang tourist arrival ng Western Visayas kumpara sa kaparehong period noong 2019.
Isa ang sector ng turismo na malaking naapektuhan ng pandemya.
Mula Abril hanggang Hunyo 2020, mayroon lang 12,406 tourist arrival ang rehiyon.
12,370 local tourists habang 35 lang ang foreign tourists.
Samantala mayroon namang mahigit 1,700,000 na tourist arrival sa kaparehong mga buwan nakaraang taon.
Mababatid na noong Marso 16 isinailalim sa lockdown ang rehiyon hanggang Mayo 15.
Continue Reading