Antique News
UNANG COVID-19 POSITIVE SA PROBINSYA NG ANTIQUE, NAITALA NA
Naitala ang unang kaso ng covid-19 sa probinsya ng Antique ngayong araw April 7,2020, ito ang kinumperma ng Provincial Government ng Antique.
Nakatanggap ang Provincial Government ng Antique ang opisyal na resulta galing sa Western Visayas Medical Center Department of Phatology, Sub National Laboratory na kumpirmadong nagpositibo sa Covid Test ang 74 anyos na lalaki at residente ng Paranaque City, Metro Manila.
Dumating sa Brgy.Semirara Island, Caluya noong March 9,2020 ang isang Private Plane.
Nagpakunsolta sa Semirara mining power corporation hospital na may lagnat, at hirap sa pag hinga noong march 19, 2020.
Ang pagkuha sa resulta ng kanyang Covid test ay noong April 2, 2020.
Sa ngayon nka strict home quarantine at nasa maayos na kalagayan ang pasyente sa Semirara, Island.
Ang LGU at iba pang Stakeholders ay nka alerto at nka bantay na sa nasabing probinsya.
At kasalukuyang nagsasagawa na ng contact tracing sa posibleng nakasalamuha ng pasyente.