Connect with us

Regional News

UNANG KASO NG COVID-19 SA PUERTO PRINCESA, NAITALA NA

Published

on

Naitala na ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Puerto Princesa City, Palawan ayon ito sa kumpirmasyon ni Mayor Lucilo Bayron.

Sinabi ni Bayron na na-admit ang pasyente sa ospital noong Abril 14 at pumanaw noong Abril 21.

Paliwanag nito na nakuhaan pa umano ng swab test ang pasyente bago siya pumanaw at naipadala ito sa Research Institute for Tropical Medicine ngunit hindi kaagad lumabas ang resulta at kagabi lang nalaman na siya ay positibo.

Inatasan na rin ni Bayron ang mga lokal na awtoridad na magsagawa ng contact tracing sa mga COVID-19 cases.

Samantala, nitong Linggo ay may isang pasyente pa ang nagpakita ng sintomas ng COVID-19 kung saan nag-aantay pa ng paglabas ng resulta.

Dagdag pa ni Bayron, nailatag na ng local government ang order na 2,000 rapid test kits at 1,500 GeneXpert cartridges.

Aniya makatatanggap din sila ng 1,000 rapid test kits mula kay House Deputy Speaker Paolo Duterte.