Regional News
Western Visayas bird-flu free na – DA


IDINEKLARA ng Department of Agriculture na bird flu-free na ang buong Western Visayas.
Nakasaad sa Memorandum Circular No. 13, series of 2025, hindi na kailangan isailalim sa blood examination ang mga live poultry, iba pang klase ng ibon, itlog, at iba pang poultry products maliban sa live ducks mula sa Region 6.
Ayon sa DA-Western Visayas, ang nasabing deklarasyon ay nagpapakita ng malakas na biosecurity practices, mahigpit na pagbantay at proactive collaboration ng mga stakeholders sa rehiyon.
Nagbibigay din ito ng daan para mapabilis ang Negosyo, mabawasan ang gastos, at masiguro ang tiwala ng publiko
sa kalusugan at kaligtasan ng poultry sa Western Visayas. l Ulat ni John Ronald Guarin
Continue Reading