Regional News
“WESTERN VISAYAS, DAPAT MANATILI SA GCQ”-WVRTF
Mas gusto ng Western Visayas Regional Task Force on COVID 19 (WVRTF) na manatli sa ilalim ng community quarantine ang rehiyon sa gitna ng COVID 19 crisis.
Ito ay matapos inerekomenda ng national Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagtanggal sa WV mula sa ECQ at GCQ at na-classify na low risk area sa COVID 19.
Ayon kay WVRTF spokesperson Atty. Roy Villa na ang ‘Low Risk’ classification ng rehiyon ay ang pag shift sana nito sa GCQ sa halip na total lift.
Ibig sabihin na sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay pwede ng mabuksan ang economic at social activities pero may limitasyon pa rin. Gusto umano nilang maintidihan ng mga tao na hindi babalik sa normal ang sitwasyon.
Ayon Pa kay Villa na makikipag coordinate sila sa mga Local Government Units (LGUs) para sa kani-kanilang guidelines ganon din na aantayin nila ipapalabas na alituntunin ng IATF-EID may kaugnayan sa GCQ. Para umano malaman nila kung ano ang pwede at hindi pwedeng ipatupad.
Ipinasiguro din ni Villa na ang ipapalabas nilang guidelines ay alinsunod sa guidelines ng IATF-EID para sa maayos na implementasyon.
Magpapatuloy din umano ang operasyon ng WVRTF sa panahon ng low-risk GCQ hanggang sa tuluyang mawala ang banta ng virus sa rehiyon.
Sa pinakahuling tala ng DOH hanggang kahapon, may 97 COVID 19 cases ang Western Visayas. Sa 97 cases, 39 na dito ang gumaling at 10 ang namatay.