Regional News
WESTERN VISAYAS, NAKAPAGTALA NG 10 RECOVERIES NGAYONG ARAW
Nakapagtala ng 10 bagong recoveries ngayong araw ng Sabado ang Department of Health Region 6 sa buong Western Visayas batay sa kanilang COVID-19 bulletin no. 30 as of 8:00 A.M.
Another good news, walang naitalang panibagong kaso ng virus sa rehiyon. Nananatiling nasa 58 ang kaso habang 24 na ang nakarekober.
Dalawa sa mga nakarekober ang taga-Bacolod City; apat na taga-Lambunao, Iloilo; isang taga-Roxas City, Capiz; dalawang taga-Pavia, Iloilo; at isang taga-Pandan, Antique.
Pito ang admitted, walo ang naka-home quarantine at sampo ang nasa facility quarantine.
Nabatid na kahapon, Abril 24, 79 laboratory result ang inilabas ng Western Visayas Medical Center Sub-national Laboratory kung saan lahat ng mga ito ay negatibo sa resulta.
Sa kabilang banda, isa ang naitalang panibagong nasawi dahil sa sakit na ito. Siya ay isang 63-anyos na lalaki na taga-Roxas City, Capiz. Sa kabuuan, mayroon nang siyam na nasawi sa buong rehiyon.
Sa kabuuang bilang, pinakamarami sa natamaan ng virus ay taga-lalawigan ng Iloilo na mayroon nang 19, sinundan ng Antique na may siyam, walo sa Bacolod City, pito sa Iloilo City, anim – Aklan, lima – Capiz, apat – Negros Occidental, habang zero ang Guimaras.