Regional News
Western Visayas nakatanggap ng additional 150,000 vaccines nitong Miyerkules
Ang Western Visayas ay nakatanggap na ng additonal 150,000 doses ng COVID-19 vaccines nitong Miyerkules. Sa dahilan ng patuloy na pag-iingay ng lokal na gobyerno at ng mga pribadong sektor sa rehiyon para sa karagdagang alokasyon ng bakuna mula sa national government.
Ang Sinovac vaccine ay dinala ng Philippine Airlines flights patungong Iloilo at Bacolod city.
Ang mga bakuna ay inilaan sa mga probinsya ng Aklan (8,160), Antique (8,240), Capiz (10,840), Guimaras (2,520), Iloilo (27,640) at Negros Occidental (34,800), Bacolod City (7,800), Iloilo City (50,000).
Iniulat ng DOH (Department of Health) na ang Western Visayas as of June 27, ay naka kuha na ng kabuuang 591,980 vaccine doses mula sa national government, at naipamahagi na sa anim (6) na probinsya at sa mga lungsod ng Bacolod at Iloilo.
Ang mga residente na nakatanggap na nang unang dose ay umabot na sa 370,284, samantala may 115,930 naman ang nka kumpleto na ng dalawang doses, ayon sa DOH.
Ang bakuna naman na AstraZeneca na binili ng lokal na gobyerno ay inaasahang darating ngayong buwan ng Hulyo ang pinaka maaga, pahayag ng mga opisyal ng rehiyon.
Sa Iloilo City may 65,049 indibidwal na ang nakatanggap ng kanilang unang dose, habang may 12,027 naman ang naka kumpleto na nang kanilang 2nd. dose. Ito’y ayon sa City Health office ng Iloilo.
Source: Inquirer.Net