Religion
Obispo ng Diocese of Kalibo inaprubahan ang aplikasyon ng 13-taong Gulang na Pinay na posibleng maging Santo
Maaring magkaroon na ng pinakaunang Pilipinang Santa sa katauhan ng 13-taong gulang na si Niña Ruiz-Abad. Ang kaniyang aplikasyon para maging isang Santo ay pinagtibay ng mga Obispo ng Diocese of Kalibo at kasalukuyang hinihintay ang pag-apruba mula sa Roma.
Si Ruiz-Abad ay ipinanganak sa Quezon City, noong Agosto 16, 1993, dahil sa atake sa puso, maagang nasawi si Niña. Sa kasalukuyan, ang kaniyang labi ay naka-himlay sa isang pampublikong sementeryo sa bayan ng Sarrat.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), si Niña Ruiz-Abad ay nagpakita ng matinding debosyon sa Eukaristiya. Ginugol ng bata ang kaniyang buhay sa pamamahagi ng mga rosaryo, Bibliya, mga prayer books, banal na mga imahe, at iba pang gamit na relihiyoso.
Sa pagsang-ayon ng mga Obispo, mag-uumpisa na ang pormal na imbestigasyon tungkol sa kaniyang buhay. Una na rito ang pagkakalap ng impormasyon tungkol sa kaniyang buhay at personalidad at ang pakikipanayam sa mga taong naging bahagi ng kaniyang buhay.
Si Bishop Renato Mayugba ng Laoag ang nagpasimula ng mungkahi na simulan ang proseso para sa kanyang pagiging Santo. Ayon sa kaniya, “Niña’s life was a prayerful life full of reverence, worship and intimate relationship with God, Jesus Christ, the Holy Spirit and to the Blessed Virgin Mary.”
Sa tala ng CBCP, maaaring aabutin pa ng ilang taon bago magdesisyon ang Roma tungkol sa beatification at canonization ni Niña Ruiz-Abad. Sa kasalukuyan ang unang hakbang ng mahabang proseso na ito, ang kaniyang mga labi ay inilipat na sa isang pribadong mausoleum bilang bahagi ng gagawing imbestigasyon.
Lubos na umaasa ang marami na maging opisyal na Santo si Niña Ruiz-Abad – isang pagpupugay hindi lamang sa kanyang pananampalataya at kabutihan, kundi pati na rin sa lakas at tanglaw ng kababaihang Pilipino.