Connect with us

Religion

Taglish version ng ‘New Testament’ patok ngayon sa online platforms

Published

on

new testament sample text
Image: From https://latestchika.com/

Ngayong libu-libong Pinoy ang nakakulong sa bahay dahil sa pandemic, inilunsad ng Society of St. Paul ang ‘taglish’ o Tagalog-English bible para sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataan.

Sa Facebook ng Catholic online bookstore St. Paul’s (www.stpauls.ph), inanunsyo ang pagbebenta ng New Testament: Pinoy Version sa halagang P145 kalakip ang ilang Biblical verses na isinalin sa Tagalog at English gamit ang modernong pananalita para makuha ang ng interes ng mga kabataan.

Narito ang ilan sa mga Bible verses na nakapaloob rito:

“After ilang minutes, may nakapansin ulit kay Peter at sinabi sa kanya, ‘Isa ka sa mga kasamahan nila.’ Pero sumagot si Peter, ‘Hindi po ako ‘yun, sir!’ After one hour, may lalaking nag-insist, ‘Sure ako, kasama ni Jesus ang taong ito, kasi taga-Galilea din sya.’” (Luke 22:58-59)

“Sobrang na-shock ako sa inyo. Ang dali n’yo namang tinalikuran ang Diyos. Imagine, sobrang bait n’ya at pinadala n’ya si Christ sa atin. Ang Diyos mismo ang pumili sa inyo, tapos ngayon, ine-entertain n’yo ang ibang Gospel?” (Galatians 1:6)

May ilang netizens na natuwa sa translation, at tinawag itong bagong form ng evangelization.

“I don’t find it scandalous. This is new evangelization. This is how we can reach even the simplest person. The language may seem uncomfortable but the content is still the same because we are still proclaiming the same Word,” saad ng isang commentor.

Pero hindi ito ikinatuwa ng ilan at sinabing nakakawala ito ng respeto.

“Translations can be done to make the Scriptures more understandable. These are dynamic translations. However, very liberal word choices can lead to the text not being taken seriously. The Filipino translation should be conversational without resorting to slang. An updated Filipino translation of the Bible should be reviewed by reputable persons in the academe,” komento ng isang netizen.

Ang taglish bible ay unang naisapubliko ng Philippine Bible Society noong 2017 pero napagpasyahan ng Society of St. Paul na ilabas ito sa mga online platforms nang lumaganap ang pandemya dahil marami umano ang pagkakataon ng mga tao na makapagbasa.

“Lalo na ngayon na may lockdown, may pagkakataon ang mga tao, especially the young people na nandiyan sila ngayon sa social media, kaya napaka-timely ng aming ginawa na i-promote rin siya sa social media,” saad ni Brother Hansel Mapayo ng St. Paul Bible Ministry.

“Pina-popularize pero meron pa ring respeto sa Word of God. Talagang merong, kumbaga, permission, merong character ito na approved ‘to ng Catholic Church or the Catholic Hierarchy,” pagtitiyak ni Mapayo.

“Siguro po kakabahan ‘yung iba. ‘Ano ba ‘yan, ‘yung Word of God para kinukulang ng galang.’ Hindi naman po siguro. It’s making the Word of God more palatable,” ayon naman kay Father Jerry Orbos. “The means nababago but the message remains the same.”

Continue Reading