Connect with us

Sports

Mikee Cojuangco-Jaworski, unang Asian Woman na nahalal bilang executive board member ng IOC

Published

on

Mikee Cojuangco-Jaworski / Human Nature YTD Channel

Umani ng paghanga si Mikee Cojuangco-Jaworski matapos maging kauna-unahang Pinay at Asian woman na nahalal bilang Executive Board ng International Olympic Committee (IOC), pinakamataas na international sports governing organization.

Kinumpirma ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakahalal kay Jaworski matapos ang International Olympic Committee Executive Board elections.

Nanalo sa botohan si Jaworski sa pamamagitan ng virtual voting ng 136th IOC session nitong Biyernes.

Ang 46-anyos na anak ni dating Philippine Olympic Committee President Jose “Peping” Cojuangco, Jr. ay nag-uwi ng gintong medalya sa 2005 Southeast Asian Games, 2002 Busan Asian Games gold medalist at itinanghal na kampeon sa 2011 International Equestrian Federation World Dressage Challenge.

Naging IOC representative ng bansa si Jaworski mula pa noong 2013 at kasalukuyang chairman ng Commission for Olympic Education.

Magsisilbi siya bilang Executive Board ng IOC sa loob ng limang taon.

Continue Reading