Connect with us

Sports

24-man Gilas pool para sa FIBA Asia inilabas na

Published

on

Photo from the web

Inihayag kahapon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 24-man Gilas Pilipinas national pool na isasabak sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

Pamumunuan nina PBA players Japeth Aguilar ng Ginebra, Kiefer Ravena at Poy Erram ng NLEX, CJ Perez ng Columbian, Troy Rosario at RR Pogoy ng TNT Katropa at Matthew Wright ng Phoenix ang national training pool.

Isinama rin sa koponan si veteran power forward Marc Pingris at sina Christian Standhardinger, Bobby Ray Parks Jr. at Mac Belo.

Wala sa national trai­ning pool sina five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng San Miguel at TNT Katropa playmaker Jayson Castro.

Inaasahang papa­nga­lanan ng SBP ang isang interim coach para hu­mawak sa Nationals.

Inihalo ng SBP sa national training pool sina PBA rookie draft picks  Isaac Go ng Columbian, Rey Suerte ng Blackwater, Matt Nieto ng NLEX, Allyn Bulanadi ng Alaska at Mike Nieto ng Rain or Shine.

Kamakailan ay idinagdag ng SBP sa tropa sina collegiate standouts Thirdy Ravena ng Ateneo Blue Eagles at Jaydee Tungcab ng UP Fighting Maroons.

Ang iba pang nasa national training pool ay sina Kobe Paras, Juan at Javi Gomez De Liaño ng UP, Dave Ildefonso ng NU, Dwight Ramos ng Ateneo at Justine Baltazar ng La Salle.

Inihahanda ng SBP ang mga collegiate cagers para sa 2023 FIBA World Cup.

Huhugutin sa naturang 24-man training pool ang Final 12 ng Gilas para sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na nakatakda sa Pebrero 20.

Unang makakatapat ng Nationals sa Group A ang Thailand sa Pebrero 20 kasunod ang Indonesia sa Pebrero 23.

Sa second window sa Nobyembre ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang South Korea. – Philstar.com