Connect with us

Sports

9-golds, nasungkit ng Philippine Masters athletics team

Published

on

Sabah Masters Athletic Association (SAMAS)/Photo

Humakot ang national masters athletics team ng siyam na gintong medalya sa 9th Sabah Masters Athletics Championships na ginanap sa Likas Stadium sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Unang nagpasiklab ang Pinoy tracksters na si Dennis Scott matapos makuha ang apat na gintong medalya sa 70-74 age category.

Dennis Scott sa nakamit ang apat na gintong medalya sa 9th Sabah Masters Athletics Championships sa Malaysia | Dennis Scott Facebook Photo

Sinundan naman ito ni Philippine Masters Association president Emerson Obiena ng dalawang gintong medalya sa men’s 50-54  category.

Hindi rin nagpahuli si Jonji Villa ng masikwat nito ang kanyang unang gold medal sa men’s 60-64 discus throw international tournament.

Wagi rin ng ginto sina Judith Staples sa women’s 45-49 discus throw at Salve Bayaban sa women’s 55-59 200m.

Gayunpaman, nakakuha rin ng dalawang pilak sa discus throw at 100m hurdles si Obiena at tanso rin kay Bayaban sa 100m dash category.

Source: Philstar/pang-masa/pm-sports