Sports
Alex Eala pasok sa quarterfinals matapos magwagi laban sa kanyang kalaban mula sa Greece
Matagumpay nagwagi si Alex Eala sa kanyang kalaban na si Michaela Laki ng Greece sa Round 16 ng 2021 US Open girls singles tournament nitong Sept. 8 (Sept. 9 Manila time) sa New York City.
Ang hangarin ni Alex para sa ikatlo niyang titulo ng Grand Slam ay nanatiling buhay dahil sa kanyang pagkapanalo laban kay Laki na, 4-6, 7-5, 6-4 sa pangatlong round ng girls singles event.
Didiretso na siya sa quarterfinals round, kung saan kakalabanin niya kung sino ang mananalo sa pagitan nina Sebastianna Scilipoti ng Switzerland at Sofia Costoulas ng Belgium.
Ngunit, ang laban sa pagitan nina Alex at Laki ay hindi pa nagtatapos, sapagkat maghaharap pa sila sa doubles division, kung saan magiging ka-duo ng Filipina si Hanne Vandewinkel ng Belgium, habang si Laki kay Radka Zelnickova ng Slovakia.
Si Alex ay isang scholar sa Rafa Nadal Academy, mayroon siyang dalawang Grand Slam na titulo matapos niyang magwagi sa girls’ doubles tiff sa 2021 French Open at 2020 Australian Open na may magkaibang partners.
Sumali rin siya sa Wimbledon ngayong taon, ito ang pinaka-matanda sa apat na Grand Slam, ngunit na “fell short” siya sa parehong singles at doubles division.
(Source: GMA News)