Sports
Anak ni Samboy Lim gold sa Karate event sa Turkey
Nakasungkit ng ginto si Jamie Berberabe-Lim sa 2019 Amatör Spor Haftasi Karate Championship na ginanap sa Sakarya, Turkey.
Namayagpag si Jamie sa senior female -68 kg kumite category kung saan nakapagtala ito ng 8-0 victory laban sa Turkish nitong katunggali.
Parte si Lim sa national team na kasalukuyang nag-eensayo sa Turkey bilang paghahanda para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.
Si Lim ay anak ng PBA Legend na si Samboy Lim at dating Pag-ibig Fund CEO na si Darlene Berberabe.
Samantala, ito pa ang ibang nagwagi ng medalya sa naturang na torneo:
Rexor Tacay – Silver, senior male -67kgs kumite
Ivan Agustin – Silver, senior male -75kgs kumite
Miyuki Tacay – Silver, senior female -61kgs kumite
Mae Soriano – Bronze, senior female -55kgs kumite
Engene Dagohoy – Bronze, senior male -84kgs kumite
Prince Alejo – Bronze, senior male -67kgs kumite
Sharief Afif – Bronze, senior male -75kgs kumite
Source: Inquirer.net